KAHALAGAHAN NG SOCIAL MEDIA SA EDUKASYON
Kapansin pansin ang pagdami ng mga gumagamit ng internet at social media sites sa panahon ngayon. Isa lamang ito sa malaking bahagi ang teknolohiya na dala ng makabagong panahon. Sa mga nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan, ito ang naging pangunahing kagamitan upang mapadali ang paghahanap ng impormasyon at ang pakikipag komunikasyon. Ito ay naging instrumento upang mabigyang daan ang mabilis at mabisang pananaliksik sa ibat ibang aspeto at base sa pangangailangan mo. Ngunit sa panahon ngayon, ano nga ba ang mga magandang naidudulot ng internet at social media sa atin bilang estudyante?
~INTERNET~
Bilang isang estudyante, malaki ang pinagbago ng paraan ng paraan ng aking pag-aaral dahil sa Internet. Napakalaki ang naitutulong ng internet sa pagpapalago ng aming kaalaman bilang estudyante. Dahil sa Internet, napapabilis ang pagkalap namin ng mga impormasyon na kailangan sa pag-aral. Simula ng matuto akong gumamit nito ay mas napabilis ang aking paghahanap ng impormasyon at isa itong epektibong paraan upang mapalawak ang aking kaalaman kung ito ay gagamitin sa tamang paraan.
~GOOGLE~
Isa sa kagamitan nito ay ang Google na isa sa pangunahing serbisyo ng Internet. Dito maaring maghanap ng impormasyon o links patungo sa ibang website kaugnay sa hinahanap, gamit ang “keywords” upang mapadali ang paghahanap ng impormasyon tungkol sa isang paksa. Napapadali nito ang aking pagkuha ng impormasyon at sa paraang ito ay nakakatipid ako ng oras at mas madami ang aking nagagawang gawain. Sa pamamagitan nito, maaari mapadali ang mga pananaliksik nang hindi nasasayang ang oras. Ito ay mahalaga sa edukasyon ay dahil sa dami ng nilalaman nito, halos lahat ng impormasyon ay mahahanap mo sa madaling paraan.
~SOCIAL MEDIA~
Ang Social Media ay isa sa nagpapadali ng komunikasyon sa panahon ngayon. Nakakatulong ito sa akin bilang estudyante dahil nababalanse nito ang aking pag-aaral at social life. Kahit ang social media applications ay para lamang sa komunikasyon, may maganda rin itong naidudulot sa akin bilang mag-aaral. Isa na dito ang Facebook kung saan maaaring makakonekta at makihalubilo sa ibang tao sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe at upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili. Ito ay ginagamit ko upang mapadali ang pakikipagkomunikasyon sa aking pamilya at malalapit na kaibigan. Maaaring ito ay para lang sa komunikasyon, ngunit ngayon ay nagiging daluyan na rin ito ng makabuluhang impormasyon sa paraang pagpopost ng mga napapanahong isyu at pagbibigay natin ng sarili nating opinion tungkol sa mga isyung ito.
Isa rin sa malaking tulong ang Youtube kung saan makakapanood ng iba’t-ibang video na may ibat-ibang paksa. Ito ay isang sikat na website na nagbabahagi ng mga video at nagbibigay-daan para sa mga manggagamit o user nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang mga video clips. Napakalaking tulong nito sa mga estudyanteng katulad ko na mas nahahasa ang pagkatuto sa pamamagitan ng visual learning. Sa youtube ay mayroong mga tutorials na maaaring maging tulong upang mas maintindihan ng manonood ang isang paksa.
~YOUTUBE~
Ilan lamang ito sa napakaraming internet o social media na may napakalaki ang naitutulong sa edukasyon. Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon lalo na sa pagkakaroon ng internet at social media. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito nang wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.
Comments
Post a Comment