Posts

Showing posts from November, 2025

KAHALAGAHAN NG SOCIAL MEDIA SA EDUKASYON

 Kapansin pansin ang pagdami ng mga gumagamit ng internet at social media sites sa panahon ngayon. Isa lamang ito sa malaking bahagi ang teknolohiya na dala ng makabagong panahon . Sa mga nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan, ito ang naging pangunahing kagamitan upang mapadali ang paghahanap ng impormasyon at ang pakikipag komunikasyon . Ito ay naging instrumento upang mabigyang daan ang mabilis at mabisang pananaliksik sa ibat ibang aspeto at base sa pangangailangan mo. Ngunit sa panahon ngayon, ano nga ba ang mga magandang naidudulot ng internet at social media sa atin bilang estudyante? ~ INTERNET ~ Bilang isang estudyante, malaki ang pinagbago ng paraan ng paraan ng aking pag-aaral dahil sa Internet . Napakalaki ang naitutulong ng internet sa pagpapalago ng aming kaalaman bilang estudyante. Dahil sa Internet, napapabilis ang pagkalap namin ng mga impormasyon na kailangan sa pag-aral. Simula ng matuto akong gumamit nito ay mas napabilis ang aking paghahanap ng impormasyon...